Thursday, March 27, 2008

Jennylyn says breakup with Patrick is 'final'

Nauna pang dumating sa leading man niyang si Jacky Woo ang buntis ngunit maganda pa ring si Jennylyn Mercado para sa presscon ng Half-Blood Samurai kagabi, February 26, sa Annabel's restaurant, sa Quezon City.

Hindi tulad ng dati na laging nakikitang umiiyak sa mga interview niya sa TV, nakangiti pang bumati si Jennylyn sa entertainment press na dumalo sa presscon ng pelikula ng Forward Films Entertainment, ang Philippine arm ng Japan-based film outfit Forward Group of Japan.

Natawa pa si Jennylyn sa biro ng ilang naroon na nagkamali yata ang OB-Gyne niyang si Dr. Judy Ann Que ng St. Luke's Medical Center na buntis siya. Hindi kasi halata na three months preggy na ang young actress.

"Pumayat po kasi ako kaya hindi pa po halata ang tiyan ko. Ang napansin ko po, lumaki ang boobs ko sa normal size niya," birong ganti naman ni Jen. "Mas okey na po ang pakiramdam ko at lahat ng ginagawa ko ngayon, para sa baby ko.

"Thankful nga po ako kay Mr. Jacky Woo dahil naging very understanding siya. Lalo na nung malaman niyang pregnant na pala ako nung nakabalik na siya sa Japan. Nag-sorry rin po ako sa kanya sa nangyari sa first presscon namin noon"

THE FINAL DECISION. "Hindi" ang sagot ni Jen nang tanungin kung payag ba siyang suportahan ng leading man niyang si Jacky sa kanyang pagbubuntis. Kukunin na lang daw niya itong ninong after niyang manganak.

Hindi na rin namin pinalampas na tanungin si Jennylyn tungkol sa kanila ni Patrick Garcia. Final decision na ba talaga niya ang pakikipaghiwalay niya sa ama ng kanyang dinadala?

"Opo, final na po 'yon," mabilis niyang tugon. "Kailangan ko na lang pong tanggapin na wala na akong choice kundi ang mag-move on at tumayong mag-isa para sa aking baby. Alam ko pong lalabas din ang totoo. Kahit po yung hindi pa ninyo alam, lalabas din po 'yon.

"Tama na po ang mga pressures na ibinigay nila sa akin. Totoo po na nag-try at nag-wish po ako na maaayos pa rin ang lahat, pero wala na po talaga. Almost one month na po 'yong hindi kami nagkakausap nang maayos. Nagkikita na lang kami sa church, kapag nagkakasabay kaming uma-attend. Pero pagkatapos po nun, hiwalay na rin kami.

"Noong Valentine's day, natuwa po ako nang imbitahan niya akong mag-dinner sa Greenhills, pero ganoon lang po 'yon. Pagkatapos naming mag-dinner, kanya-kanya na kaming uwi. Ni hindi po niya ako inihatid sa bahay.

"Hindi po siya talaga nag-effort na makipag-usap. Alam naman po niya ang bahay ko, ang telepono ko, ang cell phone number ko. Pero ngayon, ayoko na pong maghabol. Bahala na sila kung ano ang gusto nilang gawin.

"Noon, ayaw po nila akong magsalita kaya tumahimik na ako. Pero after po nung mapanood ko ang interview niya sa The Buzz, nagsalita na po ako uli. Dapat ko namang idepensa ang sarili ko at ang baby ko.

"May doubts pa rin po pala sila tungkol sa baby. Hindi po ba ang pangit pakinggan nung sabi nilang, ‘hintayin na lang ang paglabas ng baby' kesa mag-‘no comment' na lang sila? May tanong pa sila kung minsan na, ‘Is the baby still there?'

"Hindi ko po ito ipalalaglag. Bubuhayin ko itong mag-isa. Kaya po tinanggihan ko 'yong offer nilang education plan daw ng baby. Ano po 'yon, pagkatapos nila akong sira-siraan, parang batang aalukin nila ako ng candy?"

IT'S MERCADO, NOT GARCIA. Ang surname daw niya ang dadalhin ng baby, hindi kay Patrick. Ano ba ang gusto niyang maging baby at may nakahanda na ba siyang pangalan ng anak niya?

"Kung maaari po sana, gusto ko baby boy. Pero kahit po ano, basta malusog po ang baby, okay na sa akin 'yon. Kung baby boy, Francisco po ang ipapangalan ko. Sunod sa name ng daddy ni Patrick dahil naipangako ko na 'yon sa kanya. Nag-iisip pa po ako ng name kung baby girl ang isisilang ko."

Ipakikita ba niya ang baby niya kung sakali kina Patrick?

"Depende po. Kung gusto nilang makita, ipakikita ko sa kanila. Kung ayaw naman nila, okay lang po sa akin 'yon," sagot niya.

Kanino siya humuhugot ng strength ngayon? At paano niya nakakaya ang stress sa mga nangyayari sa kanya?

"Sa family ko po, sa friends ko. Thankful po ako kay Ma'am Wilma Galvante at sa GMA Network, dahil nag-promise silang hindi nila ako pababayaan. Bibigyan pa rin nila ako ng work, kapag nakapanganak na po ako. Meron nga po akong special participation sa Kaputol ng Isang Awit at ilang araw na rin po akong nag-taping.

"Nai-stress lang po ako sa mga nagsusulat ng hindi maganda. Pero wala na po akong magagawa roon. Pakiusap ko na lang po, sana tigilan na nila at maawa naman sila sa magiging baby ko, dahil hindi ko siya pababayaan kahit na ano'ng mangyari," pakiusap ni Jennylyn.

Nag-promise si Jennylyn na magiging visible na muli siya sa TV sa pagpu-promote ng Half-Blood Samurai. May mall show raw sila sa SM Bicutan sa Sunday, March 2 at 4:00 p.m. May premiere night sila sa Monday, February 3, sa Cinema 10 ng SM Megamall at sa March 5 ang playdate ng movie na nagtatampok din kina Gabby Eigenmann, Paolo Paraiso, NiƱa Jose, Pocholo Montes, Yoshuke Natsuki, and Rena Komine of Japan. May special participation naman si Cesar Montano. - Philippine Entertainment Portal

Patrick: I learned of breakup with Jennylyn on TV

Marami sa entertainment press ang nagulat nang dumating si Patrick Garcia sa presscon ng pinakabagong teleserye ng GMA-7, ang Babangon Ako't Dudurugin Kita kagabi, March 12, sa Oasis.

Bagama't kasama sa cast si Patrick, ang alam kasi ng marami ay nasa Amerika siya. Yung iba naman ay nag-iisip na mas malamang ang hindi pagdating ni Patrick dahil baka umiwas ito sa mga isyu sa kanya kaugnay ng relasyon nila ni Jennylyn Mercado.

Pero dumating nga si Patrick at halos lahat ng mga tanong ng entertainment press ay sinagot niya.

US BOUND. Unang nilinaw ng PEP (Philippine Etertainment Portal) kay Patrick ang balitang nagpunta siya sa States at ang plano niyang mag-stay muna roon.

"Hindi...hindi rin ako pupunta," paglilinaw ng young actor. "I was supposed to, para mag-aral. And I said that a long time ago, pero may project pa ko rito sa GMA. So yun, trabaho muna.

"I'm supposed to study there, pero hindi na natuloy since I'm doing this one [Babangon Ako't Dudurugin Kita]. Although magte-taping pa lang ako since yung character ko, papasok pa siya around fifth or sixth week. At saka, nabuntis si Jen, e. That's why," pahayag ni Patrick.

RELATIONSHIP WITH JENNYLYN. Diretso na ring itinanong ng PEP kay Patrick kung kumusta na nga ba silang dalawa ni Jennylyn.

"Well, hindi pa kami nag-uusap," sagot niya. "Because pinalitan niya ang number niya... That's why hindi ko siya matawagan. Gusto ko siyang puntahan sa bahay, pero hindi ko alam kung ano ang magiging pagtanggap sa akin doon. I don't know...baka hindi ako welcome."

Kung susuriin ang mga pahayag ni Patrick, lumalabas na maging siya ay clueless kung bakit nangyari ang ganito sa relationship nila ni Jennylyn. Ngayong buntis si Jennylyn ay saka naman naging magulo ang relasyon nila at nauwi pa sa breakup.

"Hindi ko alam," malungkot na sabi ni Patrick. "Kumbaga, pati ako nagtataka rin. I really don't know. May mga reklamo siya. Maybe it's part of pregnancy, yung iba ang emosyon mo. In fact, nalaman ko na lang din na break na kami noong nanonood ako sa TV. Yung, ‘Ay, break na pala kami?"

Matatandaang nagbigay ng interview si Jennylyn kung saan sinabi niyang tapos na ang relasyon nila ni Patrick at bubuhayin niyang mag-isa ang magiging anak nila. Ito ay matapos mapanood naman ang interview ni Patrick sa The Buzz, kung saan sinabi raw ng young actor na hindi siya sigurado kung siya nga ang ama ng dinadala ni Jennylyn.

Ano ang naramdaman ni Patrick nang malaman niya ang balitang break na sila ni Jennylyn?

"I called her. Pero before that, I was calling her na, pero connection error na. Kumbaga, ayaw kumonek sa number niya. Yun pala, pinalitan na niya ang number niya," lahad ng dating child actor.

Ayon sa mga pahayag ni Jennylyn, si Patrick ang malinaw na pinapalabas na tipong nagkulang or iresponsable. Paano idedepensa ni Patrick ang sarili sa bagay na ito?

"For me, I'll just keep quiet na lang. Kasi the more I defend myself, the more the problem gets longer. The more things will throw back at me. I just wanted it to stop. And I don't want to give more pressure to Jen kasi she's pregnant. Sana, sana maayos na ito," kalmado niyang sagot.

Kung sa mga naging pahayag ni Jennylyn ay give up na ito sa relasyon nila ni Patrick, ganoon din ba ang young actor?

"I'm just giving her siguro time," sabi ni Patrick. "You know, it all depends on her, e. Kasi sinabi niya sa TV that she doesn't want anymore. She was speaking like ‘tama na.' Maybe because she's pregnant... I don't know...only time can tell."

PLAN FOR THE BABY. May plano ba siya sa baby nila ni Jennylyn?

"Well, I'm still here for her if she wants and for the baby. And sana man lang, yung schedule ng doctor niya, kahit yun lang, masabi sa akin. Gusto ko rin malaman yung mga updates sa baby namin at saka sa kanya," ani Patrick.

Ayon pa kay Patrick, may common friend din naman daw silang dalawa ni Jennylyn na tinatawagan niya at sinasabihan niya kung pupuwede niya bang hingin ang schedules ni Jennylyn sa OB-Gyne nito.

"Kahit hindi niya ako pansinin," sabi ng young actor. "I just want to be there for her check-up. Kung talagang ayaw na niya, I respect that. But if she really cares about our baby, of course, I still want to be the father, and I still want to know about the updates and what's happening sa development ng magiging baby namin."

Sanay ang press people kay Patrick na hangga't kaya nitong mag-no comment or huwag na lang magbigay ng pahayag, mas yun pa ang gagawin niya. Pero this time nga, tila na-provoke na rin yata si Patrick sa mga pangyayari kaya naging very open na siya sa pagsagot.

Hindi rin daw alam ni Patrick kung bakit may claim si Jennylyn na hindi siya tumatawag or tipong "missing" siyang palagi bilang boyfriend at ama ng magiging anak nito.

"I get to call her naman. Maybe she wants a little bit...more siguro ang gusto niya. I get to do the things naman that she wants. I'm just human so sometimes, hindi ko naibibigay on time or late ako or hindi ko nabili. Tao lang ako para magkamali ng ganoon. But you know, you don't have to decide on it or you don't have to react on it na, as if ganoon ako palagi," paliwanag niya.

THE BABY IS MINE. Lumabas din ang isyu na kesyo pinagdududahan daw niya kung siya nga ang ama ng ipinagbubuntis ni Jennylyn. Pero mariin itong itinanggi ni Patrick.

"From the start naman, never naman talaga ko na nagduda. I proudly admitted naman na it's my baby, e," diin niya.

Maging ang mommy niya na si Mrs. Bing Garcia ay may doubt din daw sa pagiging ama niyang bata. Ano ang masasabi ni Patrick dito?

"I don't know. I didn't see both their interviews. My mom and with Jen. But my mom believes everything that I say naman. And my mom naman, never questioned naman, e," pagkaklaro ng young actor.

Narinig na rin daw ni Patrick ang plano ni Jennylyn na Mercado ang gamiting apelyido ng bata at hindi Garcia.

"I heard about that. I want to know also if she's serious about that," sabi niya.

Definitely, hindi siya pabor sa ideyang ‘yon kung saka-sakali.

"Well, of course, hindi. But I can't really do much kung ‘yon talaga ang gusto niya," sabi ni Patrick.

FINANCIAL ASSISTANCE. Pinabulaan din ni Patrick na wala siyang financial assistance, especially when it comes to their baby's needs like the regular check-up. Aniya, "That's very, very untrue. Hindi totoo ‘yon. I can show the receipt, it's still with me. So, I know that's very false."

Naungkat din ang tungkol sa educational plan daw na in-offer at pinapipirmahan ng mommy ni Patrick kay Jennylyn, pero tinanggihan ng huli.

"Well, the funny thing is noong okay pa kami ni Jen, I talked to her about that. Kumbaga, it's my plan...our plan. And since my mom works in an insurance company, I told my mom about it. So, my mom went to her and asked her to sign lang. And I don't know what they thought about it at kung bakit sobrang negative na magkaroon ng educational plan when she know, it is both our plan," kuwento ni Patrick.

Pagkatapos ng lahat ng naglabasan at nasabi na rin ni Jennylyn sa mga interviews niya, willing pa rin ba siyang magkaayos sila?

"The answer doesn't have to come from me," sagot niya. "Well, napanood ko na lang kasi na break na kami saTV. So, basically... Well, she didn't talk to me personally. Mas maganda sana kung maayos. But if she doesn't want to talk to me or to speak with me, I respect that. Basta ayoko lang na ma-pressure siya." - Philippine Entertainment Portal